Get a chance to win a nautical highwaist swimsuit plus a beach hat from CLOTHEPEDIA’s Giveaway!
See full mechanics HERE.
Get a chance to win a nautical highwaist swimsuit plus a beach hat from CLOTHEPEDIA’s Giveaway!
See full mechanics HERE.
Naglipana na talaga ang mga atribida, matapobre at makadera kong blockmates. So dapat ba kong matuwa sa college? Anong dapat ikatuwa sa ganito?
Naiinis ako kasi yung iba kong ka-course, sobrang nageenjoy naman sila sa mga block nila. Ewan ko ba, bakit samin pa napunta tong mga putang inang malalanding to. Hirap pakisamahan eh. Nauurat ako sa tuwing papasok ako. Ramdam ko yung tensyon sa loob ng classroom. Nakakainis.
/will delete
May bigla tuloy akong naalala.
Math time namin, 7:00 am to 8:30 am. Active ako diyan kasi alam kong mahina ako sa subject at sa recitation nalang ako makakabawe. So parang pag nagtatanong yung teacher I am answering in chorus.
So nagbigay siya ng seatwork. Ayun. Tanong-tanong yung mga classmates ko sakin. Ewan ko bakit sakin kung alam lang nila kung gaano ako kahina sa Math nung High School. Heerz. So yun, mejo maingay kami, pero hindi naman sobra. At hindi lang kami yung maingay.
Tapos sabi nung isang friend ko na parang naiinis daw samin yung 3 babae sa likod niya, ang ingay daw namin, gaganda daw namin. (Thank you! Hindi niya kailangang sabihin) Ganon, pero I take it na sarcastically nila sinabi yon. Di ako familiar kung sino yun eh, pero malalaman ko din kung sino sila sa Wednesday. Buti nalang may seating arrangement kami. >:)
Nakakainis lang isipin na start pa lang ng classes may haters na kami agad. Aaminin ko, may mga bitch talaga sa classroom namin. Promise. Mahahalata mo naman kung ganon talaga ang tao. Hindi naman sa panghuhusga. Pero yon, kailangang tanggapin. Siguro ganito sa una.
NAKAKABITCH LANG! I HATE THEM! >:(

Alam mo yon?
Yung 7 am yung pasok mo kinabukasan. At dalawang oras ang byahe mo. Tapos araw-araw alas kwarto ka gigising at aalis ka ng 5:00 ng umaga? Tas paguwe mo aabutan ka ng traffic sa Taft dahil sa tanginang mga stop light na yan? Wala ka pa sa school haggard ka na, paguwe mo di makapagaral kase sa byahe palang pagod ka na.
Tapos reklamo ako ng reklamo wala naman akong karapatan. Haay buti nga nakakapag-aral eh.
Haaay. College life. YOU SUCK :(
Makapagpicture nalang. Hahaha XD

Haha ganda ko diba. Nagmumurang eyebags at ilong. Hahaha :)
/wrist
As of now, wala pa akong clear vision ng kung anong gusto kong gawin sa buhay ko after I graduated college.
Basta gusto ko lang buksan ang mata ng masa sa lahat ng bagay, gusto kong magsulat ng magsulat, gusto kong gumawa ng libro, gusto kong maging boses ng mga taong walang kakahayang magsalita sa publiko.
Gusto kong makatulong. Gusto kong maging instrumento ng pagbabago. Gusto kong maging natatanging pag-asa ng mga aba at naaapi.
In short… Gusto kong maging superhero.
ULUL MU
Pero totoo lahat yon. Maaga kasing nabukas ang mga mata ko sa mundo ng katotohanan. Kung baga, maaga akong nagkaroon ng pakialam sa nangyayari sa bansa. At gusto kong mas maging aware pa sa mga ganong bagay.
At eto ang problema…
Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko yon gagawin at paano ko din ba siya sisimulan. Siguro dahil hindi pa ako masyadong nahahasa… Limitado pa ang mga nalalaman ko sa mga bagay-bagay. Mapurol pa ang sandatang gagamitin ko para simulan ang tunay na laban ko sa buhay.
Kailangan kong magsimula sa maliit. At ngayon ang simula. Hindi bukas, hindi kahapon, kungdi ngayon.
Nakailang first day na ba ako sa buong buhay ko?
Oo, alam ko. Taon-taon, pero ibang first day ang tinutukoy ko dito.
Yung first day na… Lahat bago. Classmates, classroom, teachers.. Yung school mismo. Ibang iba. Hindi mo alam kung matutuwa ka dahil nga sa bago ang lahat, katulad nung nararamdaman mong tuwa kapag binilhan ka ng bagong sapatos at damit.
Siguro naka-apat palang akong first day sa buhay ko. At masasabi kong ngayong college yung ibang iba. Mahirap, lalo na’t hindi mo alam kung saang lugar nanggaling yung mga makakasalamuha mo. Mahirap din kasi hindi mo alam kung sino ang dapat at pwedeng kaibiganin. Masaya in a way na in a short span of time pwede kang may matutunang bagong mga bagay sakanila. Short span in a way na unang kausap mo palang sakanila eh posible nang mangyari yon.
Masaya ang first day. Lalo ang second day, pati yung mga susunod na day. Tandaan mo lang na wag mong tatanggalan ang sarili mo ng pagkakataong ngumiti sa oras na may makakrus ka ng mata.
Pwede mo ding gawin yung mga tactics na kunwari magtatanong ng oras or hindi mo narinig ang sinabi ng prof. Medyo ginawa ko kasi siya. Haha.
College life, please be nice.
Hindi na ako natutuwa sa birong pasukan na sa Lunes.
Dahil kahapon kakagraduate ko lang ng hayskul, tas bibiruin niyo ako na pasukan na sa Lunes?!
Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ako yung tipo ng tao na mabibiro mo.
————
ULUL HAHAHA
Ang daming babaeng (…at lalaking) galit na galit diyan kapag nalaman nilang nakikipagrelasyon sa iba yung mga nobyo nila. Normal yan, siyempre, sino ba ang may gustong may kahati sa oras at atensyon sa minamahal nila diba?
Ibig sabihin ba non, di ako normal?
Okay lang saking magkaroon ka nang kalaguyo, ibang karelasyon, kalandian. Gawin mo na ang lahat ng nais mo hangga’t di pa tayo kasal. Hahayaan kitang magsawa sa mga gawaing natural lang namang gawin ng mga lalake (…at babae). Hindi kita pipigilan, kahit lantaran mong gawin yan, harap-harapang pagtataksil sa akin, lulunukin kong parang laway lang yan. Basta, pag tayo kinasal… Akin ka lang ha?
Opinyon ko lang naman to. Siyempre mas mahirap kapag kasal na kayo tapos saka ka niya pagtataksilan. Tang ina, walang nang back-outan pag kasal na kayo kesa pag nobyo/nobya mo palang siya.
Hindi naman sa kasal na agad ang iniisip ko. Alam ko namang napakaaga pa non para isipin ko yon. Applicable naman to sa lahat nang makakarelasyon ko kung hindi pa si Kenneth ang hule.
Kaya kayong mga babae/lalakeng nagpuputukan ang butsi kapag ganyan ang sitwasyon, subukan niyong timbangin ang mga nangyayari, malay mo kaya niya nagawa yon kasi ikaw ang nagkulang. Pwera nalang kung hindi talaga makuntento yang mga karelasyon niyo. Na hindi naman maiiwasan sa ganitong edad natin.